Halaman

Isang bagay na may buhay

May paa at kamay

Ngunit hindi gumagalaw

Kahit nasasaktan ay hindi umaaray

Mukhang madali ang kanyang paghinga araw-araw

Hinihiling nga natin maging kagaya nya minsan

Nabubuhay na walang pakiramdam

Ngunit kung ating pagmamasdan

Katulad ng lahat ng may buhay

Sila din ay may pinagdadaanan

Sa lupa ang umangat ay kanilang kailangan

Kumuha ng sinag ng araw

Kumuha ng tubig sa kailaliman

Kumuha ng nutrisyong kinakailangan

Kumuha ng hangin sa kapaligiran

Magtrabaho sa araw o gabi man

Huminga at magpahinga madalas or minsanan

Hindi tumitigil upang lumago at patuloy na mabuhay

Para sa kung saan sila nakalaan

Kahit pagsubok at nandyan

Lahat ay gagawin upang lumaban para sa kinabukasan.