Kahulugan ng bilanggo

Nakakulong sa rehas

Kung tawagin ay bilanggo.

Maaring literal na rehas.

O, di kaya ng ibang bagay.

Bilanggo ng pagibig.

Bilanggo ng salapi.

Bilanggo ng trabaho.

Bilanggo ng nakaraan.

Bilanggo ng kalungkutan.

Bilanggo ng kahirapan.

Bilanggo ng digmaan.

Bilanggo.

Tila madaming kahulugan.

Ngunit iisa ang hantungan.

Pinipigilan na lumago at magbago ang kaisipan.

Hindi matanaw ang kinabukasan.

Nagtatanong sa araw at buwan.

Kung makakalaya ay kailan?

Kasagutang hindi matanaw.

Bilanggong mananalig sa bahagyang ilaw.

Balang araw makakamit din ang kalayaan.